PAPERS

Friday, February 18, 2011

fearful night

Friday na pala ngayon maya maya alas dose na, feb 19 na inshort Saturday na. Sa Sunday, feb 20 target date na ipalabas ang result. Nung 13 pa ako balisa kasi akala ko sa 14 ipost ngunit di pala. Ngayong Sunday na malalaman. Magiging swerte ba ang taong ito? O magugunaw ang pangarap ko?
Be positive daw ika nga nila, pinipilit ko naman. Pero laging pumapasok sa isip ko, ang tanong na “WHAT IF??” Negative thoughts are always popping out in my mind. Di ko maiwasang mapaiyak lalo na’t naiisip ko na nag-iisa lang ako. Alam ko naman na anjan ang mga mahal ko sa buhay ngunit paano kung mabigo ako? Im such a disappointment lalo na sa mga magulang ko.
Bakit ganun? Bakit ako natatakot? Wala akong kompyansa sa sarili na makapasa. Paano nga kung di ako makasama? T_T
Kung mangyayari man, pangalawang beses na akong mabigo. Mababa na nga self-esteem ko kung magyayari kinatatakutan ko, baka wala nang matira kahit isang guhit lang. makakaya ko kaya? Sa panlabas na anyo lang ako matapang. Pero sa loob ako’y marupok. Walang lakas, madaling matibag. Walang matibay na pondasyon, madaling masira. Madali akong mapabagsak.
Di ko na alam kung anong pang isusulat ko, iiyak ko nlng muna ito…

T_T

No comments:

Post a Comment

Write your comment here... :)